Kayo Kayo [prod. by Calix] by BLKD published on 2022-03-28T04:22:35Z noong mga panahong nakakahon tayo mga kalolo-lolo-lolo-lolohan nyo naging paborito ng mga dayong mananakop pabor ro'n, pabor rito ang nahahakot sa madaling sabi sila'y kumampi sa mga kaaway imbis na gumanti kapalit ay kapangyarihan at posisyon maliit na nasasakupan at komisyon nang lumaon, sa paglaya raw ng Pinas mga ninuno nyong pinuno kuno nagmatigas natikmang lakas, 'di na matakwil kaya ugat ng pamumuno nyo ay pagtataksil balat-kayong demokrasya paghahari ng iilan masa'y 'di mapagkasya gahamang karnabal ** kayo, kayo, kayo-kayo na lang kayo, kayo, kayo-kayo na lang kayo, kayo, kayo-kayo na lang iilang angkan, kayo-kayo na lang ngayon, tuloy pa rin paghahari-harian bilang pa rin ang apelyidong makapangyarihan paano, ang turing sa tungkuling natamasa ay para bang ari-ariang naipapamana sa asawa, kapatid, anak, apo hanggang sa kone-koneksyon ng kamag-anakan nyo mula taas hanggang babang pwesto tinauhan alagang-alaga, tanggapa'y binakuran at kung may kumalaban man pamilya't personalidad ring sadyang yama't impluwensya labis na panginoong may lupa, negosyante, artista ** ** bilang na ang araw ng kalakarang kapangyarihan ay hawak ng iilang angkan tuluy-tuloy lang sa pagsusulong ng pagbabago ang mga tunay na kinatawan ng karaniwang tao Comment by KARIMLAN đ„ 2023-05-29T02:45:12Z