Aleluya by DONG ABAY published on 2016-11-11T03:26:26Z Filipino Version of Leonard Cohen's "Hallelujah" ALELUYA Translation: Carina Evangelista Voice: Dong Abay Piano: Ria Osorio I. Ito raw ang lihim na himig Inawit ni David at Diyos ay napaibig Ngunit sa iyo ang musika'y walang halaga Ito ang lahad: ikaapat, ikalima Munting luhod, biglang lipad Lingid sa haring may-akda ng Aleluya Aleluya, Aleluya Aleluya, Aleluya II. Nanalig ka ngunit balisa Sa liwanag ng buwan, sa hubad niyang ganda Nasilaw ka’t ang diwa mo’y napatda Mga bisig mo’y ginapi Nanghina ka’t ginupitan ka At hinugot sa iyong labi, Aleluya Aleluya, Aleluya Aleluya, Aleluya III. Irog, nakita ko na ito Ang silid na ito’y kilala ko Mag-isa sa buhay bago ka nasilayan Ang tayog ng watawat mo riyan Pag-ibig ay ‘di pag-uunahan Kundi malamig at basag na Aleluya Aleluya, Aleluya Aleluya, Aleluya IV. Dati-rati’y nailalahad mo Bawa’t kislot ng pang-akit Lahat ngayo’y iyong ipinagkakait Limot mo na bang sa ‘ting pagsiping Indayog rin ng banal na langit At bawat halinghing ay Aleluya Aleluya, Aleluya Aleluya, Aleluya V. Marahil ay may Diyos sa mundo Ngunit pag-ibig ang pawang naituro Ay ang unang pagpisil ng gatilyo Hindi pag-iyak na dinig sa dilim Hindi pagliwanag ng paningin Kundi malamig at basag na Aleluya Aleluya, Aleluya Aleluya, Aleluya VI. Sabi mo’y dinungisan ko siya Di ko naman siya kilala Kung ganoon man ay ano naman iyon sa iyo? May silab ng apoy bawat kataga Hindi naiba sa ‘yong tenga Banal man o basag na Aleluya Aleluya, Aleluya Aleluya, Aleluya VII. Ginawa kong lahat ngunit kapos Walang madama, tinangkang mahaplos Pagdulog sa iyo’y walang pagsisinungaling Lahat ma’y mauwi sa wala Heto ako, O Diyos ng Harana Tanging salita sa ‘king dila’y Aleluya Aleluya, Aleluya Aleluya, Aleluya Home Demo Recording, 2015 Genre Storytelling Comment by Alco Guerrero Napakaganda Dong ♥️🙏🏻 2021-04-07T21:35:15Z Comment by Kathleen Ang ganda po, idol! 2020-04-11T23:50:48Z Comment by Tyler Jared Locsin Boone Is it possible to ask for the chords to this? Sobrang ganda. :D 2017-09-02T15:40:16Z Comment by Wenzel Tamayo ang ganda po 2016-11-15T12:41:48Z Comment by otil ganda 2016-11-14T15:42:00Z Comment by Paul Astig! 2016-11-14T11:40:59Z Comment by bslap287 Hayup! Dinaig nyo sir si Jeff Buckley! 2016-11-11T04:02:13Z