published on
Martsa ng Tanggol Wika (musika ng “Solidarity Forever”)
Sa Luzon at Visayas, hanggang sa Mindanao
Panawagan natin ay nagsilbing batingaw
Panggising at pangmulat sa bayan ay tanglaw
Sulong, Tanggol Wika!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Sulong, Tanggol Wika!
Sarili nating kasaysayan at ating panitikan
Kulturang pinamana ng lahing pinagmulan
Aaralin, susuriin, at payayabungin pa
Sulong, Tanggol Wika!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Sulong, Tanggol Wika!
Ang mga manggagawa at mga magsasaka
Maralita at lumad ng bayang sinisinta
Kasangga at kasama sa layang inaasam
Sulong, Tanggol Wika!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Sulong, Tanggol Wika!
Karimlan ng kolonyalismo'y ating iwawaksi
Sa mga imperyalista di tayo pagagapi
Ang dila at ang diwa natin ay malaya na
Sulong, Tanggol Wika!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Sulong, Tanggol Wika!
Sanlibutan na mapayapa at mayro’ng katarungan
Tinig ng bawat lipi ay ating pakikinggan
Sa ating bayanihan, babaguhin ang mundo
Sulong, Tanggol Wika!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Wika’t bayan, ipaglaban!
Sulong, Tanggol Wika!
- Genre
- Folk & Singer-Songwriter